3 dakip sa buy-bust

SWAK sa detention cell ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong katao na nahaharap sa kasong paglabag sa probisyon ng RA 9165 nang arestuhin sa pamamagitan ng search warrant mula sa Metro Manila Regional Office (MMRO) ng ahensiya nitong nakalipas na February 19, 2011.

Sa ulat na isinumite ni PDEA-MMRO Regional Director Wilkins M.Villanueva kay Usec. at PDEA Dir. Gen. Jose Gutierrez Jr., kinilala  ang mga nadakip na suspek na sina  Salima Lee, alyas Salima, Vilma, Lorenza Abdul  at Teresiata Peñalosa .

Ayon sa ulat ng PDEA, ang mga suspek ay nadakip sa buy –bust operation sa Riverside, Brgy. Tumana, Marikina City makaraang halughugin ng operatiba ng PDEA MMRO ang bahay ni  Salima bitbit ang search warrant Nr. 11-17271 na ipinalabas  ni  Honorable Judge Amor A. Reyes, Executive Judge ng  Branch 21, RTC Manila.

Ang pagsalakay sa bahay ng suspek ay sinaksihan ni Lee, Brgy. Chairman Ziffred Ancheta, Brgy. Kagawad Francisco Delos Santos at City Councilor Frankie Ayuson ng  Marikina City.

Nadiskubre  sa nasabing bahay ang 3  piraso ng  heat sealed transparent plastic sachet na may white crystalline substance at 1 piraso ng bukas  na plastic sachet ng shabu kung saan ang nakumpiskang ito ay dinala na  rin sa  PDEA Laboratory Service para  sa pagsusuri.

Pawang nakapiit na ngayon ang tatlong suspek sa  PDEA detention facility para sa  imbestigasyon ng kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002 na inihanda at pormal na inihain laban sa nasabing mga akusado. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply