3 empleyado ng Meralco tiklo sa pagnanakaw

ARESTADO ang tatlong empleyado ng Manila Electric Company (Meralco) sa aktong pagbebenta ng mga ninakaw na wire sa isang junk shop sa Quezon City, iniulat Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Alfred Chavez, 29; Julius Bueno at Edwin Bonifcio, pawang ng Rodriguez, Rizal.

Ang tatlo ay inireklamo ng Meralco  representative na si Nestor Carlos, 54, security officer  ng nasabing kompanya.

Sa kanyang salaysay kay SPO4 Rogelio Villanueva, ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB), alas-6 ng umaga nitong Biyernes nang lumabas ang tatlo sakay ng service closed van (VDN 435) para magsagawa ng  operation laban sa illegal connection sa San Joaquin  Compd. Sa Pasig City.

Dakong 2:30 ng hapon ay bumalik sa opisina ang tatlo para mag-turn-over ng mga nakumpiskang  apat na pole clamp at isang sako ng sealing ring  na nagkakahalaga ng P2,766.

Pagkalipas ng isang oras, muling umalis ng Meralco office  ang tatlo pero hindi na umano bumalik para sa kanilang nakumpiskang mga gamit.

Sinabi pa ni Carlos na dahil sa matagal na nilang pinaghihinalaan ang tatlo ay kanila iyong sinundan hanggang sa maaktuhang nagbebenta ng mga kable ng kuryente sa isang junkshop sa Project 4, Quezon City. Jhie Convocar

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply