3 heneral bigong mapa-contempt ng Senado

BIGO ang Senado na ma-contempt sina dating AFP comptroller Carlos Garcia, Jacinto Ligot at dating AFP chief of staff Angelo Reyes.

Ayon kay Senador Teofisto Guingona III, chairman ng blue ribbon committee, bumuo muna sila ng legal panel upang pag-aralan kung dapat bang parusahan ang dating mga heneral matapos na magmamatigas na sumagot sa mga tanong ng mga senador kaugnay ng katiwalian sa AFP.

Sinabi ni Guingona, nag-iingat sila na parusahan sina Garcia at Reyes dahil maaaring dumulog ang mga ito sa korte kapag sumablay ang hakbangin ng Senado.

Natuklasan din na walang formal motion para parusahan ng contempt si Ligot kaya tuloy ang imbestigasyon sa kanya maging sa misis nito.

Papadalhan na rin ng subpoena si Reyes dahil dalawang beses na itong hindi dumadalo sa pagdinig ng nasabing komite.

Una rito ay pinako-contempt nina Senators Miriam Defensor-Santiago, Chiz Escudero, Jinggoy Estrada at Antonio Trillanes IV sina Reyes at abogado nitong si Atty. Bonifacio Alentajan matapos akusahan ang  mga senador na hindi patas sa imbestigasyon ng katiwalian sa AFP. Vicky Cervales

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply