3 hinihinalang holdaper arestado

ARESTADO ang tatlong kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng talamak na grupo ng mga holdaper sa Delpan nang naispatan ng pulisya na may mga dalang armas sa North Harbor sa Tondo, Maynila.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Mario Casas, 31, Felixberto Patulin, 28, at Geovanni Sombilon, 20, pawing mga nakatira sa Purok III Dulo Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.

Sa isinumiteng report kay MPD-Station 2 P/Supt. Ernesto Tendero Jr., ang mga suspek ay na-inquest na kahapon makaraang mahulihan ang mga ito sa kanilang pag-iingat ng matatalas na patalim, baril at mga bala.

Nauna rito, nagsasagawa umano ng pagpapatrolya ang ilang tauhan ng Delpan PCP sa lugar nang  ilang residente ang nagsumbong na may tatlong kalalakihang pagala-gala sa lugar at may mga dalang armas.

Dahil dito, ginalugad nina PO2 Raymund Boco, PO1 Elgen Afable, PO1 Jack Mijares at PO1 Ariel Papa ang naturang lugar kung saan naispatan ang mga suspek sa Pier 2 sa North Harbor na naglalakad habang sukbit sa kanilang beywang ang nasabing mga armas dakong 2:50 ng madaling araw.

Agad silang inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya upang imbestigahan.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang .38 revolver marked “MCC” at anm na live ammos “MCC1,” isang improvised ice pick na 12 pulgada ang haba, marked “FPQ,” improvised fan knife na may sukat na 9.5 pulgada, marked “GSN” at isang blue knapsack bag na naglalaman ng tatlong bull caps at iba’t-ibang IDs na hinihinalang pag-aari naman ng kanilang mga nabibiktima sa lugar.

Paglabag sa R.O 4136 (vagrancy) P.D. 1866 (illegal Possession of Firearms and Ammunition) at Concealing Deadly Weapon ang isinampa sa Manila Prosecutors Office laban sa mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply