3 hinihinalang holdaper timbog

TATLONG hinihinalang holdaper ang natimbog ng mga tauhan ng  Manila Police District (MPD) na  sangkot sa serye ng holdapan sa tulay ng Delpan at Road 10 sa Tondo, Maynila.

Biyernes 2:50 ng madaling araw nang masukol ang mga suspek na sina Mario Casas, 31; Felixberto Patulin,28; Geovanni Sombilon ,20, pawang taga-Purok III Dulo Isla  Puting Bato Tondo ng mga tauhan ni  P/Supt.Ernesto Tendero Jr., station commander ng Moriones Police Station 2.

Nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang isang .38 rebolber, 6 na bala isang improvised fan knife at isang improvised icepick. Nakuha rin ang ilang IDs na hinihinalang pag-aaari ng kanilang mga naging biktima.

Nahaharapang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 4136 (vagrancy), P.D.1866 (illegal possession of firearms and ammunition) at concealing deadly weapon sa Manila Prosecutors Office.

Ayon sa report kasalukuyang nagpapatrolya ang ilang tauhan ng Delpan PCP sa naturang lugar nang magsumbong ang ilang residente hinggil sa tatlong kalalakihang pagala-gala sa lugar at may mga dalang armas.

Dahil dito ay agad na rumesponde sina PO2 Raymund Boco,PO1 Elgen Afable, P01 Jack Mijares at PO1 Ariel Papa sa naturang lugar kung saan naispatan nila ang mga suspek sa Pier 2 sa North Harbor na naglalakad habang  sukbit sa kanilang beywang ang nasabing mga armas. Agad silang dinala sa himpilan ng pulisya  upang  imbestigahan.Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply