3 lalawigan sa Luzon nilindol

TATLONG probinsiya sa Luzon ang tinamaan ng malakas na magnitude 5.3 na lindol kahapon ng medaling araw.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang malakas na lindol ay naitala pasado alas 5:01 ng umaga sa Ilocos Norte.

Sa kanilang  bulletin, sinabi ng Phivolcs na ang nasabing pagyanig ay nasukat sa magnitude 5.3, na ang epicenter ay nasa 31 kilometro timog silangan ng Laoag City.

Sinabi pa ng Phivolcs na naramdaman ang Intensity III sa Sinait, Cabugao, at Burgos, Ilocos Sur at ang  Intensity II ay naramdaman sa Pasuquin, Laoag City at Batac at Sarrat sa Ilocos Norte.

Ayon sa Phivolcs, ang lakas ng Intensity III ay mararamdaman ng maraming tao lalo na iyong nagpapahinga at medyo may kalakasan.

Habang ang Intensity II ay medyo may kalakasan na kaunti lang na mga taong nagpapahinga ang makararamdan ngunit maitatala ito ng seismographs.

Wala namang iniulat at inaasahang aftershock sa nasabing lindol sa Ilocos.

Samantala, may mahinang magnitude 2.8 na lindol ang naitala naman sa Isabela area sa Northern Luzon pasado ala-1:19 ng madaling araw at tectonic in origin.

Ang epicenter nito ay nasa 44 km timog silangan sa  Ilagan, Isabela, sinabi pa ng Phivolcs.

Habang ang ikalawang lindol ay naitala bandang alas- 2:24 ng madaling araw at nasukat sa magnitude 2.6 at  tectonic din ang pinagmulan.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng ikalawang  lindol ay nasa 44 km timog kanluran ng Boac, Marinduque.

Magkagayunman hindi agad natukoy ng Phivolcs kung saan banda naramdaman ang lindol.-Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply