3 natusta sa sunog sa Davao

TATLO ang patay makaraang masunog ang residential area sa Davao del Sur sanhi ng faulty wiring, Martes ng madaling-araw.

Ayon sa report ni Supt. Ronald dela Rosa, provincial director, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Lucy Berger sa Purok 2, Brgy. Bagumbayan, Malalag, naturang lalawigan bandang 4:30 a.m.

Nakilala ang mga namatay na sina Lorgenita Dadolo, 30, caretaker; mga  anak na sina Jessame, 8; at Justine, 6, nakulong sa kanilang kuwarto.

Tinatayang P1.2 milyon ang nasirang ari-arian kasama na ang isang multi-cab (GMT 532) na natupok din ng apoy. Marjorie Dacoro

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply