3 Pinoy na bibitayin sa China haharangin ng DFA

HINDI umano titigil ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para  makakuha pa ng commutation sa tatlong Pinoy na nakatakdang isalang sa lethal injection sa China sa Lunes dahil sa pagkakasangkot sa drug trafficking.

Ayon kay  Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ed Malaya, hindi titigil sa pagsasagawa ng representasyon ang Embahada ng Pilipinas sa China maging ang DFA sa Chinese Embassy dito sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Malaya na maging si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay sumulat na noong Agosto ng nakaraang taon  kay Chinese President Hu Jintao hinggil sa usapin ng pagbitay sa mga Pinoy na sina Sally Ordinario Villanueva, Ramon Credo at Beth Batain.

Samantala, mariing itinanggi ni Malaya na huli na ang pagkilos ng gobyerno para maisalba ang tatlo.

Inihayag ni Malaya na inaayos na ng DFA ang pagpunta sa China ng kaanak ng tatlong Pinoy na bibitayin doon.

Papunta na aniya ngayon sa DFA ang kapamilya ng mga bibitayin para ayusin ang kanilang plane ticket at accomodation sa China. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply