3 pulis, PCG commodore kinasuhan ng Ombudsman

PINAKAKASUHAN ng tanggapan ng Ombudsman ang tatlong tauhan ng Philippine National Police at isang Commodore ng Philippine Coast Guard dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa kasong katiwalian.

Sa magkakahiwalay na resolusyon iniutos ng Ombudsman na makasuhan ng paglabag sa malversation of public property sina PO3 Renato Patarasa at SPO1 Ernesto Licuanan at kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban naman kina P/ Chief Inspector Joseph Orsos at PCG Commodore Edmundo Tan.

Nag-ugat ang kaso kay Patarasa sa reklamong inihain ni SPO3 Jaime Talaver, property custodian ng 901th, PMG Portholland Maluso, Basilan.

Hindi umano ibinalik ni Patarasa sa custodian ang inisyung 5.56 rifle, magazines at 200 ng ctg  ball nang malipat siya ng ibang assignment sa labas ng Maluso sa kabila ng kanyang panawagan kung kaya’t nahaharap  ito sa kasong malversation of public property.

Ganito rin ang naging kaso ni Licuanan dahil hindi rin nito naibalik ang isyung service firearm matapos ma- relieve sa Provincial Supply Office at mailipat sa PNP Internal Affairs Service sa Olongapo City.

Samantalang si Orsos naman na dating OIC ng Traffic Management Group Legal Office ay nakasuhan dahil sa paglalabas ng dispositon order sa isang Rizalito David ukol sa na-impound na Toyota Prado Land Cruiser na pag-aari ng isang Erlinda Mendoza na hiniram lamang ng huli.

Samantalang si Tan naman ay inireklamo ng negosyanteng si Reynaldo Chua dahil sa pagpigil sa transporting ng mga kargamento ng huli.

Ayon kay Chua, pinagbasehan ni Tan ang TRO na inilabas ng Pagadian court na nagpipigil sa kanyang mga kargamento ngunit nadiskubre na ang nasabing TRO na isinampa ng isang Benito Aratea ay nakapending pa lamang sa korte at hindi pa opisyal na ipinatutupad.-Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply