3 sundalo patay sa engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at NPA sa Ifugao

TATLONG sundalo ang napatay habang apat ang sugatan sa engkuwentro sa pagitan ng 86th Infantry Brigade 5th Infantry Division ng Philippine Army at ilang miyembro ng New People’s Army sa Sitio Ampucoc, Cajuayan, Asipilo, Ifugao.

Kinilala  ang mga nasawing sina Cpl. Normande F. Mirabilla, Pvt Nory Escuena at Pvt Wendel Clemente habang ang mga sugatan naman ay sina Pfc John Paul Gorospe, Pvt Junel Canabang, Pvt Alfredo Liklikan at Pvt Frankie  Liw-agan.

Ayon sa Police Regional Office Cordillera, pinamumunuan  ni 2/Lt Mark Anthony Bernardino ang mga sundalo habang pinamumunuan naman ni Casimiro Binayon alyas Peter ang grupo ng mga rebelde.

Patuloy ang  hot pursuit operation ng  Philippine Army laban sa mga tumakas na rebelde.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply