3 sundalo todas, 4 sugatan sa sagupaan sa Ifugao

TATLONG miyembro ng Philippine Army ang napatay habang apat iba pa  ang nasugatan nang ratratin ng hinihinalang local terrorist habang patungo sa isang humanitarian mission sa Ifugao Mountain Province sa ulat ng military, Linggo, Pebrero 27.

Ayon kay Army Col Miguel Puyao, Civil Military Operations officer, ng Philippine Army  5th Infantry Division, naganap ang sagupaan alas 10:35 ng umaga sa Barangay Kawayan, Asipulo, Ifugao.

Patungo sana sa isang humanitarian mission ang pulutong ng mga sundalo na pinamumunuan ni Army Lt Bernardino ng Alpha company nang tambangan ng mga local terrorist na pinamumunuan ng isang Binayang Casimiro.

Napuruhan umano ang mga sundalo ani Puyao nang hindi kaagad makaganti dahil sa mabibigat na dala-dala tulad ng martilyo, lagare, pako at iba pa na gagamitin sana sa pagtulong sa mga nasirang bahay sa Bgy. Nayan.

Sa mensahe ni Col Puyao, matapos ang limang minutong palitan ng putok ay napatay ang tatlong  sundalo at apat ang sugatan.

Agad namang naglunsad ng hot pursuit operation ang kaagwad ng 5TH ID matapos makuha at mailabas sa ligtas na lugar ang mga sugatan. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply