3 tigok sa SUV ni vice gov

LAGUNA – Magkakasunod na binawian ng buhay ang tatlong magkakaangkas sa motorsiklo matapos silang matumbok ng Ford E150 na pag-aari ng bise gobernador ng lalawigan ng Quezon.

Agad nasawi sina Andrew Kim de Leon at Allan de Leon na nalasog ang katawan matapos tumilapon sa sinasakyang motorsiklo. Binawian naman ng buhay sa pinagdalhang ospital si Melody Pangilinan, live-in partner ni Allan.

Ang mga biktima ay pawang nakatira sa Brgy. San Lucas, San Pablo City.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa Maharlika Highway, sakop ng Brgy. San Francisco, San Pablo City, dakong alas-12 ng hatinggabi noong Miyerkules.

Nabatid na patungong Quezon ang Ford E150 na may plakang VEZ-900 at tinatahak ang kahabaan ng Maharlika Highway nang masalpok ang Honda Wave na may plakang PQ-590 na sinasakyan ng mga biktima.

Nakaladkad pa ng SUV ang motorsiklo bago ito nagliyab na grabeng ikinapinsala ng mga biktima.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, ang SUV ay pag-aari ni Quezon Vice Governor Vicente Alcala at minamaneho ng tauhan nito na si Marcelito Abella.

Agad namang nadakip ng San Pablo police ang tsuper ng SUV at sasamphan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide. Dan Bicomong

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply