3 Tsino tiklo sa raid sa ‘shabu’ mini-lab

SINALAKAY ng  pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Caloocan City police ang isang mini- laboratory ng “shabu” Huwebes ng hapon sa Morning Breeze, Bagong Barrio, Caloocan City.

Tatlong Tsino ang naaresto sa nasabing operasyon.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Cai Lian Quiao, 38, Cai Hong Xuan 30 at si Wang Xiao Yan, 22, pawang naninirahan sa Unit 15-A Damalan Tower Condominium sa Mandaluyong City.

Ganap na alas-tres ng hapon nang salakayin ng mga tauhan ng PDEA at pulis-Caloocan ang nasabing shabu mini-laboratory.

Nakumpiska dito ang mga kagamitan sa paggawa ng shabu, ilang galon ng  kemikal at isang Honda CRV na may plakang ZHW-257 na kinalululanan ng mahigit sa 200 gramo shabu na nagkakahalaga ng P1.8 milyon.

Matagal na umanong  minamanan ng mga  awtoridad ang iligal na gawain ng mga suspek.

Makaraang makumpirma na positibo ay agad kumuha ng search warrant mula sa korte ng Caloocan City at agad sinalakay ang nasabing laboratory. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply