30 days ultimatum sa Gen. Garcia case

BINIGYAN ng 30 days ultimatum si Defense Secretary Voltaire Gazmin  para tapusin ng four man team DND Special Investigating committee  ang imbestigasyon sa kaso nina dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Comptroller Carlos Garcia at iba pang dating chief of staff na diumano’y nakinabang sa “pabaon” system at makapaghain ng kanilang rekomendasyon.

Ayon kay DND Director Eduardo Batac, tumatayong tagapagsalita ng kagawaran, sa loob ng nasabing palugit na ibinigay ni Gazmin ay inatasan ang nasabing komite na lumikha ng apat na sub committee na tututok sa apat mahahalagang isyu na may kaugnayan sa graft and corruption sa loob ng AFP.

Magugunitang inilabas ni Gazmin ang Department Order No. 22, na nagtatatag sa nasabing probe committee na pamumunuan ni Atty Patrick Velez, chief ng office of legal affairs ng DND, para pamunuan ang imbestigasyon kung saan kasama sa bubuo ng investigating team o panel sina Assistant Sec. Fernando Manalo bilang vice chairman, Asst. Sec. Willie Palugod at dating Brig. Gen. Fermin de Leon bilang mga miyembro.

Naglaan ang DND ng P200,000 bilang operational budget para sa nasabing imbestigasyon partikular na sa inilantad ni dating AFP budget officer Ret. Col. George Rabusa hinggil sa multi-million peso pabaon system o send off money para sa mga magreretirong AFP chief of Staff.

Ipatatawag ng investigating committee ang lahat ng opisyal na nadadawit sa isyu at wala umanong sasantuhin kung sino man ang tamaan.

Nabatid na saklaw din ng pagbusisi ang para sa  peacekeeping forces na ipinapadala sa ibang bansa gaya sa Timor at  Golan heights.

Ayon pa kay Batac, anumang rekomendasyon ng nasabing four man team ay isusumite kay Gazmin na siya namang mag-uulat kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply