300 bus marshalls ikakalat sa Metro Manila

TINATAYANG nasa 300 pulis na magsisilbing bus marshalls ang ipinakalat na ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) upang mapaigting ang paghihigpi sa pagbabantay sa Metro Manila laban sa anumang uri ng
pagsalakay at maging kontra sa mga kriminal.

Sinabi ni NCRPO spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos na agad na nagpakalat ng bus marshalls ang PNP makaraan pasabugin ang isang pampasaherong bus sa Makati City nitong Enero 25.

Mas pinalakas lamang umano ito ngayon kung saan ang mga bus marshalls ay bahagi na ngayon ng Police Integrated Patrol System (PIPS) ng NCRPO, ayon sa direktibang inilabas ni chief Director Nicanor Bartolome sa
lahat ng limang distrito ng PNP sa Metro Manila.

Makakatulong ng bus marshalls ang “mobile, foot at bike patrols, tourist police” kasama ang mga pulis na nakatalaga sa “fixed visibility points, Motorized Anti-Street Crimes Operatives, checkpoints, police assistance desks, at ang “anti-overloading operations” kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Binigyan naman ng “identification card” ang mga bus marshalls upang mas higit na makilala ang mga ito ng mga pasahero sa mga bus na kanilang sasakyan.

Itinalaga ang mga bus marshalls sa iba’t ibang bus terminal, mga loading at unloading points sa EDSA, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, Ortigas Avenue at Roxas Boulevard.

Tinatayang nasa 3,000 bus kada araw ang umano’y masasakyan at maiinspeksyon ng mga bus marshalls dahil sa magpapalipat-lipat ang mga ito ng sasakyan.

Nanawagan naman si Bartolome sa mga bus drivers, konduktor at mga pasahero na makipagtulungan at maging mapagmatyag kung saan agad na isuplong sa mga bus marshalls o kahit sa sinumang awtoridad ang mapapansing kahina-hinalang tao o bagahe upang hindi na maulit ang naganap na pagsabog sa Makati City. Johnny F. Arasa/Amor Viarata

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply