300 kilo ng bocha nasabat sa Malabon

ARESTADO  ng mga tauhan ng Malabon police ang tatlong katao matapos makumpiska sa kanila ang 300 kilo ng botcha na lulan ng isang taxi, Lunes ng gabi sa  Malabon City .

Kinilala ni Sr. Supt. Carlito Barrios, hepe ng Malabon police ang mga suspek na sina Evelyn Gastila, Mary Grace Gentilas at Luz Teyra, pawang ng Panghulo, Malabon City at Karuhatan, Valenzuela City .

Ayon kay Boyet Guevarra, hepe ng sanitation and veterinary office ng Malabon City Hall, 11ng gabi nitong Lunes nang maaresto ang mga suspek sa M. H. del Pilar st ., Brgy. Tugatog.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa pag-angkat ng mga suspek ng botya mula sa Bulacan at ibinabagsak sa palengke ng Malabon City .

Dahil dito, agad nagsagawa ng operasyon ang mga tauhang sanitation and veterinary office at nang makita ang sinasakyang taxi ng mga suspek ay agad nilang pinara.

Nang siyasatin ang loob ng compartment ay nakita ang sangkatutak na karne ng baboy at nang suriin ay lumalabas na double dead ang mga ito na mahigpit na ipinagbabawal na ibenta sa mga palengke. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply