300 pulis-Maynila nakahanda sa silver anniversary ng Edsa

MAY 300 miyembro ng Manila Police District (MPD) ang nakahandang bantayan ang  gaganaping ika-25 anibersaryo ng Edsa People Power I sa may rebulto ni dating Pangulong Cory Aquino at dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino bukas ng umaga.

Ayon kay MPD Director Roberto Rongavilla, ipakakalat nito ang kanyang mga tauhan sa paligid ng Padre Burgos at Bonifacio drive sa Maynila upang proteksyunan at ayusin ang daloy ng trapiko na tiyak na maiistorbo ng naturang selebrasyon.

Samantala, sinabi naman ni Manila Mayor Alfredo Lim, highlight ng pagdiriwang ang “unveiling” ng rebulto ng namayapang Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin kasabay ng pagpapalipad ng lobong puti at kalapati.

Dadalo rin sa nasabing selebrasyon ang may 22 obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa pangunguna ni Manila Archbishop Cardinal Gaudencio Rosales.

Si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay inaasahang dadalo rin.

Nanawagan din ang alkalde sa mga nais na dumalo sa selebrasyon na magsuot ng kulay dilaw na damit o t-shirt.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply