31 lady drivers sasabak na sa lansangan

SASABAK na pamamasada sa lansangan ng Metro Manila ang may 31 lady drivers mula sa unang batch ng mga nagtapos sa pagsasanay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda).

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, magtatapos na ngayong linggo ang training at seminar ng unang batch ng mga babaing drayber at magsisimula nang magtrabaho ang mga ito sa mga akreditong kumpanya ng bus sa unang linggo ng Marso.

Inamin naman ni Tolentino na maaaring maging “underpaid” ang mga babaing drayber dahil karamihan sa kumpanya ng bus ay nagpapatupad ng “quota system.”

Sinabi rin ni Tolentino na may ilang mga registered nurses at may electrical engineer na sumali sa nasabing training. Dagdag pa niya marami ring nag-training  ang nakapagtrabaho na bilang bus drivers at may hawak na foreign licenses mula sa Kuwait, Bahrain, at Saudi Arabia.

Nais lamang umano ng mga ito na sa Pilipinas na maghanapbuhay upang hindi na malayo sa kani-kanilang pamilya.

Pabor ang MMDA na hikayatin ang mga kumpanya ng bus na kukuha sa serbisyo ng mga lady drivers na bigyan ang mga ito ng suweldo na ayon sa “minimum salary.”

Subali’t anila maaari ring lumikha ng gulo sa mga lalaking drivers na matagal nang nagtitiis sa quota system na pasahod. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply