36 patay, 64 sugatan sa Mali stampede

HINDI bababa sa 36 katao ang namatay habang sugatan naman ang higit sa 64 katao sa stampede na naganap sa stadium sa Mali matapos ang Muslim ceremony.

Ayon kay Mali Minister Of Interior Security and Civil Protection Sadio Gassame, naganap ang stampede sa Modibo Keita stadium sa Bamako kung saan ginawa ang seremonya para sa Maoulod na holy period ng mga Muslim.

Sinabi ni Gassame na sabay-sabay nagtangkang lumabas ang libo – libong katao mula sa Metallic enclosure dahilan para magka-stampede.

Nagpulong naman ang mga kaanak ng mga biktima sa labas ng Gabriel Toure hospital kung saan inihahanda ang listahan ng mga namatay sa stampede. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply