38 OFWs galing Libya nasa Pinas na

LUMAPAG na rin sa Pilipinas Sabado ng umaga, Pebrero 26, ang ikalawang batch ng mga overseas Filipino workers (OFWs) mula sa LIbya.

Ang grupo na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ganap na 11:45 ng umaga lulan ng Cathay Pacific ay binubuo ng 17 katao.

Nauna rito ay dumating ang unang batch na binubuo ng 21 katao ganap na 9:40 ng umaga.

Inaasahang darating din ang susunod na batch na binubuo ng 34 OFWs sa tanghali at isa pang grupo bandang 4:00 ng hapon.

Nabatid na 90 Filipinos na mula sa Libya ang dinala na sa Paris upang makalabas patungong Pilipinas.

Ang mga dumating na OFWs ay dinala muna sa holding area ng paliparan bago ito magtungo sa kanilang recruitment agency sa Manila. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply