3rd batch ng OFWs mula sa Egypt nakauwi na

NATAPAT sa Valentine’s Day ang pagdating ng ikatlong grupo ng manggagawang Pinoy na nagboluntaryong umuwi sa pangambang maipit sila sa kaguluhan sa Egypt.

Dumating ang ikatlong batch na kinabibilangan ng 30 kababaihan, tatlong lalaki, at tatlong menor de edad, lulan ng Emirates Air flight EK-332.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration, pawang nagmula sa Cairo ang mga dumating na mga Filipino.

Wala pa silang impormasyon kung may ibang Pinoy na magmumula sa ibang lugar sa Egypt na gusto na ring umuwi ng bansa.

Sinalubong nina OWWA administrator Carmelita Dimzon, mga tauhan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng DFA at ng Office of the Vice President ang grupong dumating sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Dimzon, ang ikatlong grupong ito ay pansamantalang mananatili sa OWWA Halfway House hanggang hindi pa naisasaayos ang pagbabalik ng mga ito sa kani-kanilang probinsiya.

Isasailalim din ang mga ito sa post-trauma stress debriefings habang ang Department of Labor and Employment ay mayroon namang programa para sa OFWs.

Ang OWWA ay miyembro ng inter-agency crisis management committee na pinangunahan ng Department of Foreign Affairs. Ben A

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply