4 na sekyu timbog sa payroll robbery

DAHIL sa isinagawang follow up operation ng mga tauhan ng Manila Police District, nakumpleto na ang apat na security guards na umano’y sangkot sa payroll robbery Huwebes ng hapon, Pebrero 24, sa Binondo,Manila.

Bagama’t  nasa isang milyong piso ang nakulibat ng grupo, nasa limandaang libong piso  na lamang ang nabawi ng pulisya sa mga ito. Nauna nang nadakip sina Gerry Moldes, 30, at Elmer Deyamusco, 20.

Sa ginawang follow up operation ng mga tauhan ni Chief Insp. Johnny Gaspar, hepe ng MPD-Gandara Police Community Precinct sa pakikipagtulugan ng suspek na si Deyamusco, nadakip sina Ronnel Desoloc, 25, at Rexel  Pumarejos, 28, na pawang nasa ilalim ng Centenial Security Agency.

Samantala, mariing itinuro ng isa sa mga suspek na kanilang kasabwat ang isang Noel  Hermino, 36, umano’y OIC ng security sa Metro Bank sa China Plaza Branch sa Tomas Mapua St., malapit sa Ongpin sa Binondo kung saan nag-withdraw ng isang milyong piso si Gina Lamanilao, clerk ng Manpower Services.

Batay sa ulat na isinumiti ni Chief Insp. Gaspar kay P/Supt. Ferdinand Quirante, Station Commander ng MPD-Binondo Police Station 11, dakong 3:15 ng hapon nang maganap ang nasabing payroll robbery sa tulay ng Gandara malapit sa Ongpin.

Tinutukan ng dalawang armadong suspects lulan ng motorsiklo si Lamanilao habang naglalakad ito matapos mag-withdraw at pilit na kinukuha ang dala nitong pera.

Nang tumanggi  si Lamanilao, pinalo ito ng dalawangh beses sa ulo. Noong una ay inakala na simpleng away lamang ang nagaganap, pero nang sumigaw na ang nasabing babae ay dito na kinuyog ang dalawang suspek at nabawi ang pera pero kulang na umano ito ng kalahati.

Kasabay ng isinagawang follow-up, nadakip sina Desoloc at Pumarejos sa Puresa Sta, Mesa, at mariing namang itinuro ng isa dito na mastemind nila umano si Hermino. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply