4 na suspek sa pagpatay kay Ortega natiklo na

INAASAHANG madali nang mareresolba ang kasong pagpatay sa brodkaster at environmentalist na si Dr. Gerardo Ortega makaraang mahuli ang apat na suspek sa nasabing krimen.

Kinilala ang apat na sina Rodolfo Edrad, Nonoy Regalado (na nasa kustodiya ng NBI-Palawan), Dennis Arana at Armando Noel.

Ayon sa salaysay ni Noel, silang apat ang inutusang pumatay kay Ortega ngunit hindi nila nagawa kaya kumuha sila ng ibang papatay dito.

Nabatid pa kay Noel na magkakakilala silang tatlo nina Edrad at Regalado dahil pare-parehong silang taga-Pagbilao, Quezon. Marjorie Dacoro

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply