4 patay sa salpukan ng 2 cargo trucks

APAT na kalalakihan ang nasawi sa naganap na salpukan ng dalawang cargo trucks sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Pagbilao, Quezon.

Ayon kay PNP spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, nakilala ang mga nasawi na sina  Sony Bartolome, Mark Leslie Dela Cruz, Roldan Lakang and Marcos Bartolome.

Nabatid na tinatahak ng isang Isuzu cargo truck (PCI-272) na patungong Bicol ang kahabaan ng New Diversion Road maghahatingabi ng bigla itong mawalan ng preno habang pababa at papaliko sa isang matalim na kurbada sa may Barangay Silangang Malicboy ng nasabing bayan.

Ayon sa pagsisiyasat ni Pagbilao Police chief P/Chief insp. Francis Pasno tumagilid ang nasabing ten wheeler truck at sumalpok sa kasalubong  na isa pang cargo truck na patungong Tiaong, Quezon.

“Three of them died on the spot while the other one died while being treated at the hospital,” ani Pasno.

Sugatan naman ang driver ng nakasalubong na truck na si Jose Panuelos, driver at ang helper nito na si Heros Leomo. Kapawa nilalapatan ng lunas ang dalawa sa MMG Hospital sa Lucena City. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply