493 OFWs sa Kuwait ililikas ng DOLE

NAKIKIPAGNEGOSASYON na ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa nakatakdang paglilikas sa 493 overseas Filipino workers sa Kuwait na mga biktima ng karahasan sa napupuntahang amo at illegal recruitment.

Ayon kay DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, kaagad na makakauwi sa bansa ang mga ito sa oras na magkaayos sa negosasyon ang Social Affairs and Labor, Interior at Foreign Affairs ministries ng Kuwait.

Nilalaman ng negosasyon ang probisyon sa dagdag na libreng tickets, paglalabas ng case clearances at pag-aayos sa dokumento ng OFWs para makalabas sa nasabing bansa.

Kung sakali, ito na ang ikatlong batch ng OFWs sa makikinabang sa mass repatriation na inayos ng DOLE matapos ang unang pagpapauwi sa mahigit 80 OFWs nitong nakaraang buwan mula naman sa Jeddah.

“There are about 169 OFWs already scheduled for fingerprinting while 205 OFWs including outsiders and walk-ins have undergone the procedure and are presently awaiting the result,” ani Philippine Labor Attaché Vivo Vidal sa kanyang report sa DOLE.

Sa huling ulat, nabatid na may 129 OFWs pa ang kasalukuyang kinukupkop ng Shuik Immigration Deportation Center na naghihintay ng desisyon mula sa embahada para makauwi na ng Pilipinas ayon kay Baldoz.

“These OFWs shall be repatriated the soonest possible time with the cooperation of the host country and at no expense from the Philippine government, whih will save us more than P8 million,” dagdag pa ni Baldoz.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply