5 bagets sabit sa shabu tiyangge sa Pampanga

NAARESTO ng mga tauhan ng Anti-illegal Drug Enforcement Group (ADEG) ang limang estudyante habang nasa aktong nagbabantay sa shabu tiyangge sa Barangay Sto. Niño Viejo, San Fernando, Pampanga.

Batay sa ipinadalang report ni Senior Supt. Edgardo Tinio, police director ng probinsya, na ang pagkakadakip sa mga suspek ay matapos salakayin ng Anti-illegal Drug Enforcement Group ng San Fernando Police ang naturang tiyangge.

Kinilala ni  Tinio ang nagmi-mintina ng tiyangge na si Garry Motoc, 31, habang ang mga estudyanteng hindi na pinangalanan ay nasa pagitan ng 14 hanggang 17 taong gulang.

Nakuha ng awtoridad sa lugar ang plastic sachet ng shabu, marked money at iba pang drug paraphernalia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act si Motoc, samantalang ang mga estudyante naman ay inilipat sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).  Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply