5 grade school students nalason sa bunga ng ginseng

NALASON ang limang grade three pupil ng Calinawan Norte Elementary School matapos kumain ng halamang ginseng sa Calinawan Norte, Sto. Tomas, Isabela, Miyerkules ng umaga.

Agad isinugod sa Delfin Albano Hospital sa Delfin Albano, Isabela ang mga biktima na kasalukuyan pang ginagamot dahil sa matinding pagsusuka at pagkahilo.

Napag-alaman na isa sa mga nasabing mag-aaral ay anak ng principal at ang isa ay anak ng guro ng naturang eskwelahan.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa oras ng recess ng mag-aaral.

Umaga ng Miyerkules ay nagtungo ang limang mag-aaral sa likod ng silid-aralan ng Grade 3 kung saan nakita ang nasabing halaman na kanilang kinain.

Sa kwento ng mag-aaral ay iniluwal ng tatlo ang bunga nang mapaitan samantalang ang dalawang pa ay patuloy na kinain ang halaman.

Ang nasabing dalawa ang dumaranas ng matinding pagsusuka at pagkahilo.

Samantala, nasa maayos nang kalagayan na ang tatlo habang patuloy namang ginagamot ang dalawa pang nakaranas ng matinding pagkalason. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply