5 kotong cops sa Makati City kinasuhan

SINAMPAHAN ng kasong “robbery extortion” ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang limang pulis-Makati makaraang ireklamo ng isang German national na nambiktima sa kanya nitong nakaraang Enero 29.

Kinilala ni NCRPO chief Director Nicanor Bartolome ang mga pulis na sina SPO4 Roland Bagaon, PO2 Romel Salcedo, PO3 Renato Esperansante, PO1 Jason Guinting at PO1 Rene Ruga, pawang kinasuhan sa Makati Prosecutors Office.

Nag-ugat ang kaso sa mga suspek makaraang ireklamo ng German national na si Daniel Ludwig noong Enero 29.

Ayon sa biktima, hinuli siya ng mga pulis dahil sa pagbili umano ng ipinagbabawal na droga.

Inakusahan din umano ang Aleman na isang terorista at sasampahan ng patung-patong na kaso kapag hindi nakipagkasundo sa kanila.

Dahil sa takot, napilitan umano ang biktima na pumayag na mag-withdraw ng pera sa kanyang ATM account at bumili ng limang laptop computers at ibinigay sa limang pulis.

Makaraang palayain, agad nagtungo sa German Embassy ang biktima at iniulat ang pangyayari.

Nakipag-ugnayan naman ang naturang embahada sa Philippine National Police (PNP) sanhi upang matukoy ang limang pulis.

Sinabi ni Bartolome na nasa “restrictive custody” na ng NCRPO ang limang pulis makaraang disarmahan.

Nahaharap na rin sa “summary dismissal proceedings” ang lima makaraang sampahan ng kasong administratibo. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply