5 magkakahiwalay na sunog sa MM, 2 sugatan

SUGATAN ang dalawang fire volunteer sa limang magkakahiwalay na sunog sa apat na siyudad sa Metro simula Huwebes ng hapon hanggang umaga ng Biyernes.

Batay sa report ng dzBB, natupok ng apoy ang row of houses sa Benavides st,  Sta. Cruz na nagsimula nang 4:40 p.m., Huwebes at naapula lamang bandang 5:06 p.m.

Sa naturang sunog nasugatan ang isang Ricky Palmares, fire volunteer, ayon naman sa report ng dzXL.

Batay din sa dzXL news report,  umabot naman sa fifth alarm ang sunog sa isang squatters’ area malapit sa Antonio Regidon Elementary School.

Sa Caloocan, dalawang bahay ang nasunog sa 11th Avenue. Nagsimula ang sunog bandang 11 p.m. na umabot sa second alarm.

Dalawang apartment naman ang natupok ng apoy sa San Pascual St., Brgy. Rincon, Valenzuela City na umabot ng fourth alarm at naapula bandang 1:00a.m. nang Biyernes.

Sa Makati,  nasunog ang isang abandonadong  gusali sa Buendia Avenue malapit sa lumang Pamantasan ng Lungsod ng Makati.

Nasira ng naturang sunog ang third floor  ng naturang gusali at ikinasugat naman ng isang fire volunteer na hindi pa nakikilala, ito ay ayon sa report ng dzBB.

Tupok din ang residential tower sa Josefina st, Sampaloc Manila, at naapula lamang bandang 6:00 a.m nang umaga ng Biyernes.

Sa report naman ng dzRH,  nagsimula ang naturang sunog sa Unit 2207, na umabot sa third alarm. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply