5 patay sa landslides sa Surigao

LIMANG katao na ang namamatay sa pagbaha at landslides sa Surigao province, Biyernes, Pebrero 4.

Kinilala ang mga biktimang sina Nenita Corpuz, 57, Julie Culapu, 47, natagpuang patay ika-7 ng hapon, Huwebes, Pebrero 3 sa Barangay Pantukan, bayan ng Carrascal sa Surigao del Sur.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo sa palayan ang dalawang biktima sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at hindi na nakabalik ng bahay.

Kasama rin sa limang namatay ay sina Carlio Benocilla, 26 at Raymund Bonotan, 25, samantalang pinaghahanap pa ang nawawalang si Romeo Boboy Jr., 18, pawang ng Surigao del Norte.

Samantala, patay din si Aladin Corporal, 32, nang malunod matapos anurin ng baha sa Barangay San Antonio, Madrid, Surigao del Sur.

Naiulat na ang patuloy na pag-ulan sa rehiyon ang dahilan ng mga pagbaha at landslides. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply