5 patay sa masaker sa Camarines Sur

PATAY ang limang magkakamag-anak na nabiktima ng masaker sa Libmanan, Camarines Sur, na naganap bandang alas-otso ng gabi ng Biyernes, Pebrero 4.

Hindi nakaligtas sa kamatayan ang amang si Federico Bico at mga anak  nitong sina Christian, Christine Ramier at si Armando Queto.

Ayon kay Lt. Col. Ernesto Cruz, pinuno ng 42nd Infantry Battalion ng Philippine Army, natagpuan ang bangkay ng ikalimang biktima na si Tiolo Borral, sa  Zone 9 ng Barangay Villadema, Libmanan.

Nasa kritikal na kondisyon naman sina Ronilio de Castro at isang nakilalang “Ryan,” na parehong may tama ng bala sa ulo.

Sugatan din ang isa pang taong hindi pa pinangangalanan.

Batay sa ulat ng Bombo Radyo, pitong di-nakilalang kalalakihan ang pumasok sa tahanan ng mga Bico at walang awang pinagbabaril ang mga ito sa hindi pa matukoy na dahilan.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang motibo ng krimen. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply