5 pupils nalason sa ginseng

ISABELA – Inoobserbahan sa pagamutan ang limang elementary pupils matapos umanong kumain ng buto ng ginseng na kanilang itinatanim sa bakuran ng Calinaoan Elem. School sa Bayan ng Sto. Tomas.

Sa impormasyon mula kay Col. Noel Calderon Aliño, Team Leader ng Criminal Investigation and Detection Group-Isabela, dalawa sa mga paslit ay nakilalang sina Crystal Joy Soro at April Aliah Albano.

Ang mga bata ay pawang grade 3 pupils sa nasabing paaralan sa Barangay Calinaoan Norte, Sto. Tomas.

Nabatid na nagtatanim ang mga mag-aaral nang subukan ng lima sa kanila na kainin ang ginseng seedlings. Kasunod nito ay nakaramdam ng biglaang pagkahilo saka nangisay ang mga bata.

Agad naman silang dinala sa rural health unit ng Delfin Albano ngunit hindi napakalma kaya inilipat sa pagamutan sa nasabi ring lugar kung saan sila patuloy na inoobserbahan.

Kaugnay nito, pinag-iingat na rin ang mga batang mag-aaral sa nasabing eskwelahan at pinayuhang huwag kakainin ang anumang uri ng buto o bunga ng mga punong nakatanim sa paligid lalo pa’t bago iyon sa kanilang paningin. Felix Yoro-Medrano, Jr.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply