5 sasakyan sinunog sa Bukidnon

HINIHINALANG ang New People’s Army (NPA) ang responsable sa pagsunog sa limang sasakyan sa San Fernando, Bukidnon.

Ayon kay Major Eugene Osias, spokesman ng 4th ID, Philippine Army, dalawang dump truck, dalawang backhoe at pick up vehicle ang sinunog ng mga hinihinalang rebelde na pagmamay-ari ng PhilPost Mining Company na nakabase sa nasabing lalawigan.

Nabatid na pinigil ng tinatayang hinihinalang 25 NPA ang nasabing mga sasakyan kung saan pinababa ang mga driver at agad sinunog ang mga ito.

Hinihinalang pangingikil ang motibo sa nasabing pagsunog.

Patuloy naman ang paglulunsad ng pursuit operation ng mga awtoridad laban sa mga salarin.

Matatandaang tatlong ten wheeler truck din ang sinunog ng mga hinihinalang rebelde noong nakaraang linggo dahil sa umano’y kabiguang magbayad ng revolutionary tax. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply