5 security guard buking sa P1-M payroll robber

ARESTADO ang limang sekyu ng bangko matapos holdapin at tangayin ang P1 milyon mula sa isang 44-anyos na clerk na nag-withdraw ng nasabing halaga Huwebes ng  hapon sa Binondo, Maynila.

Nakakulong ngayon sa MPD-Theft and Robbery Section ang mga security guard na sina: Jerry Muldes, 30; Elmer Amosco, 20,ng Binondo, Maynila; Rexer Pomaregos, 28, ng Sta. Mesa, Maynila; Ronnel Desolong, 25, residente ng Ylaya st.,Tondo; at si Noel  Germino,36, ng Sta.Mesa, Maynila.

Ayon kay Chief Insp. Johnny Lagasca Gaspar, naganap ang panghoholdap dakong 3:45 ng hapon kay Gina lamalinao, clerk ng JRS Management Center na may opisinas Binondo, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, “inside job” ang naganap dahil si Germino ay sekyu ng Metrobank branch sa Binondo, kung saan nag-withdraw si Lamalinao ng payroll money para sa mga empleyado ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan.

Paglabas umano ni Lamalinao sa naturang bangko ay saka siya hinarang ng mga suspek.

Dalawang beses pinukpok ng baril sa ulo ang biktima kaya’t nabitawan nito ang bitbit na dalawang bag na naglalaman ng tigka-kalahating milyong piso.

Dahil dito nagkaroon ng komosyon na nakaagaw-pansin sa mga tao kaya nagresponde ang ilang tauhan ng police station 11.

Inabutan ng mga pulis sina Muldes at Amosco. Sa isinagawang follow-up operation ay naaresto naman sina Pomaregos, Desolong at Germino, itinuro ng dalawa bilang kasabwat sa krimen.

Narekober naman ang perang nanakaw gayundin ang .38 calibre na baril, limang live ammunition, isang toy gun na replica ng Beretta pistol, cellphone, ang gagamitin sanang pulang motorsiklo na gagamitin ng mga suspek sa pagtakas, at mga dokumento ng nagpapakilanlan ng mga suspek.  Jocelyn Tabangcura-Domenden/Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply