5 Taiwanese seafarer sugatan

SUGATAN ang limang foreign seafarer mula sa isang Taiwanese vessel matapos sumabog ang boiler nito ngayon, Lunes, Pebrero 28, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon pa sa PCG, ang mga crew ay mula sa CT7-0039 (Ho Chung) vessel, at ang mga nasaktan ay pawang mga Taiwanese at Indonesian nationals.

“The vessel’s five crew members were reportedly severely affected after exposure to ammonia and suffered chest pains,” sinabi ng PCG.

Agad na kinontak ng PCG Action Center ang Captain ng nasabing vessel.

“The Coast Guard Action Center had established contact with fishing vessel captain Hon Je-Chao through satellite phone and VHF radio,” dagdag ng PCG.

Nagpadala ng report ang PCG sa Taiwan Ambassador Philip Chen at kay Capt. Philip Chien hinggil sa sitwasyon ng mga crew members.

Ang nasabing insidente ay nangyari sa Philippine area of responsibility, kung saan 100 milya ang layo nito mula sa Maynila.

Nailigtas ang mga dayuhang tripulante.

Ayon kay Lt. Cmdr. Armand Balilo, nagtamo ng sugat bunga ng sunog ang mga ito at hindi makahinga noong iniligtas mula sa vessel nito.

Kaagad na dinala sa ospital ang mga dayuhan upang makatanggap ng karampatang lunas. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply