500 mining permits, applications kinansela ng DENR

BILANG pagsunod sa programa ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na tuwid na landas, kinansela ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mahigit 500 mining permits at aplikasyon na pawang inactive at kulang sa requirements.

Ayon kay Environment Secretary Ramon Jesus Paje, inatasan na rin niya ang lahat ng regional officials ng ahensiya upang bigyan ng dalawang deadlines, mula Pebrero  20 hanggang Disyembre, taong ito upang malinis ang lahat ng  pending at inactive mining applications ngayong taon.

Nabatid kay Paje na ang kanilang paglilinis sa tinaguriang “ageing” mining applications ay bahagi ng kampanya ng ahensiya na malinis ang katiwalian at maipatupad ang anti-corruption program ng DENR

Sa kasalukuyan ay may  2,180 mining applications ang naka-pending sa iba’t ibang  tanggapan ng DENR nationwide. Santi Celario

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply