500 OFWs mula Libya darating ngayon

INAASAHANG darating ng bansa ngayong araw, Pebrero 25 ang may 500 overseas Filipino worker mula sa Libya na nagsilikas dahil sa patuloy na krisis doon.

Ito ang kinumpirma na Department of Foriegn Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, matiwasay na nakatawid sa border ng Ehipto ang nasabing batch ng OFWs gabi ng Huwebes.

Ayon kay Roel Ascano,isang OFW, lulan ng isang trak ay dumaan sila sa maraming checkpoint bago nakarating sa Egypt.

Ang nasabing trak din ang nagsilbing tulugan ng mga manggagawang Pinoy sa kanilang mahabang biyahe.

Sinabi pa ni Ascano, magkakasama silang mga OFW na umalis mula Egypt habang sabay-sabay na nananalangin na sana  ay makalayo sa mga kaguluhan. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply