500 pulis ikinalat sa Chinatown

AABOT 500 pulis  Maynila at mula sa Metro Manila Regional Office ang ipinakalat ngayon sa Chinatown bunsod ng pagdiriwang ng mga Chinese sa Chinese New Year, ngayong araw, Pebrero 3.

Ayon sa report ng dzBB, ipinakalat ang mga naturang pulis sa commercial district at mga lugar na idadaos ang traditional activities tulad ng dragon at lion dance.

Partikular na tututukan ang lugar ng Reina Regente st., na isasarado sa behikulo upang bigyang daan ang New Year festivities.

Kasabay nito, pinayuhan ng pulisya ang publiko na mahigpit na magmanman sa kapaligiran upang hindi mabiktima ng snatchers at masasamang loob.

Nabatid na gabi pa lamang ng Miyerkules, siksikan na ang tao sa mga kalye ng Chinatown upang bumili ng lucky charms. Marj Dacoro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply