51 OFWs mula Libya dumating na

NAKABALIK na sa bansa ang 51 Overseas Filipino Workers (OFWs) na inilikas dahil sa nagaganap na kaguluhan sa Libya.

Pasado alas 10 ngayong Linggo ng umaga, Pebrero 27 nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang naturang OFWs lulan ng Gulf flight 154.

Ang mga dumating na OFWs ay sinalubong ni Overseas Worker Welfare Administrator (OWWA) Carmilita Dimzon  at mga kinatawan Department of Foreign Affairs (DFA) sa NAIA.

Napag-alaman na 38 sa mga ito ay nagtatrabaho sa isang hotel sa Tripoli, samantala ang 13 naman ay sa construction firm.

Ayon sa DFA, pansamantala munang tutuloy sa halfway house ng OWWA sa Pasay City ang mga walang sundong manggagawa habang aayusin na ang mga uuwi sa kani-kanilang probinsya.

Samantala, nakatakda namang dumating ang 31 pang OFWs mamayang 3:30 ng hapon habang ang 36 ay mamayang alas 10:30 ng gabi.

Sa ngayon ay halos 200 Pinoy na ang nakakabalik sa bansa mula Libya.

Kinumpirma rin ng opisyal na hanggang kagabi ay mayroon ng 168 na OFW ang nakabalik ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Dimzon na oras-oras umano ang natatanggap nilang report kaugnay sa bilang ng mga OFW na naka-schedule na umuwi ng Pilipinas mula sa nabanggit na rehiyon.

Samantala, inihayag naman ni DFA Spokesperson Atty. Ed Malaya na hanggang kahapon ay may 204 na Overseas Filipino Workers (OFW) na ang nakalabas ng Libya.

Ang 70 aniya sa mga ito ay dumating na sa Turkey, 97 naman ang isinakay ng eroplano papuntang Paris at 12 ang isinakay ng British Naval vessel papuntang Malta. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply