5th year sa highschool inalmahan ni Recto

INALMAHAN ni Sen. Ralph Recto ang panukala ng Department of Education (DepEd) na dagdagan ng isang taon ang sekondarya o highschool upang tumingkad ang kalidad ng edukasyon, at sa halip dapat dagdagan ang pre-school ng kabataan.

Ayon kay Recto, mas makabubuting dagdagan ng gobyerno ang taon ng pamamalagi ng kabataan sa pre-school level dahil mas mataas ang antas ng dropout sa elementary dahil hindi lubhang handa ang kabataan na sumabak sa tunay na pag-aaral.

Aniya, mas makabubuting dagdagan ng pamahalaan ang taon ng pag-aaral ng kabataan bago pumasok sa grade one at pondohan ang gastusin sa pre-school sa halip na piliting mag-enrol ang kabataan sa 5th highschool tulad sa ibang bansa.

Naniniwala si Recto na kapag dinagdagan ang taon ng pagtuturo sa pre-school tulad ng nursery at kindergarten, mas maihahanda ang bawat estudyante na makaagapay sa matinding pormal na pag-aaral.

“It is during the early stage of development that a child can better learn and assimilate ideas because of the rapid growth of the physical and mental faculties,” paliwanag ni Recto.

Sa bersiyon ni Recto na “K2 plus Grade 7”, kailangan magkaroon ng dalawang taong pre-school education ang kabataan sa pamamagitan ng pag-e-enrol sa nursery at kindergarten bago payagan na makapasok sa Grade 1 at makapagtapos sa Grade 7. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply