6-anyos ginahasa, pinatay sa Cebu; Caucasian, Pinay wanted

PINAGHAHANAP na ng tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang foreigner at isang Filipina na hinihinalang sangkot sa child trafficking at pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 6-anyos na batang babae sa Cebu, iniulat Huwebes, Pebrero 10.

Kinilala ang biktima na si Ellah Joy Pique, Grade one pupil ng Calajo-an Elementary School sa bayan ng Minglanilla.

Nabatid na natagpuan ang bangkay ng bata 7:55 ng umaga kahapon sa paanaan ng isang talampas sa Barangay Sayaw, Barili, mahigit 40 kilometro ang layo sa kanilang tahanan.

Sa salaysay ng mga kaklase ng biktima, nagpaaalam pa sa kanila si Joy bago sumakay sa isang itim na sport utility vehicle (SUV) na tanging ang numerong 679 sa plaka ang kanilang natandaan, 4:00 ng hapon nitong Martes.

Sa pagsisiyasat, sinasabing isang lalaking Caucasian ang nagmamaneho ng SUV habang  kasama ang isang Pinay na tumawag sa bata at nagpasakay sa kanya sa sasakyan.

Kinabukasan ay nakita ang bangkay ng biktima na nakabalot ng kumot na may kasamang tatlong bato at itinali gamit ang cable wire.

Nakatakdang isailalim ng PNP Crime Laboratory sa Central Visaya sa medico legal examination ang bangkay ng bata upang alamin ang sanhi ng kamatayan nito at dahil na rin sa hinalang ginahasa ang bata bago pinatay.

Napag-alaman sa ama ng bata na si Renante, 40, nagsimula siyang mag-alala sa kanyang anak nang hindi na nakauwi 5:00 ng hapon ng Martes.

Nang hindi makita ay humingi na siya ng tulong sa Barangay Patupat.

Hinala naman ng pulisya na ang nasabing insidente ay isa na namang kaso ng human trafficking. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply