6 junior officers absuwelto sa mutiny, kaso vs Lim, Querubin et al tuloy

TULUYAN nang pinawalang sala ng Armed Forces of the Philippines Special General Court Martial ang anim na military officers na nasangkot sa tangkang pagpapatalsik kay dating Pangulong Gloria Arroyo noong February 2006 Edsa Peoples Power anniversary.

Sa ipinalabas na desisyon ng AFP General Court Martial, napawalang-sala sina Maj. Jason Aquino, Captains Isagani Cristie, Montano Almodovar, James Sababan, Joey Fontiveros at Dante Langkit.

Ang mga nabanggit ay mga miyembro ng elite unit na Army Scout Rangers.

Subalit kaugnay ng kanilang kasong kinasasangkutan ay ibinasura naman ng korte ang motion for reconsideration na isinampa nina retired Maj. Gen. Renato Miranda, Brig. Gen. Danilo Lim at Col. Ariel Querubin, kaugnay pa rin sa kasong pag-aklas laban sa pamahalaang Arroyo.

Dahil sa nasabing desisyon ng Special General Court martial ay magtutuloy-tuloy ang paglilitis sa tatlong senior officer kaugnay sa kasong mutiny.

Bagama’t nagretiro na si Miranda, na miyembro ng Philippine Military Academy Class 1974 at dating hepe ng Philippine Marines, saklaw pa rin ng military tribunal ang kaso nito.

Samantalang sina Lim at Querubin ay itinuturing na resigned na sa serbisyo matapos maghain ang mga ito ng kanilang certificate of candidacy noong May 10 senatorial elections, subalit hindi
pinalad na manalo ang mga ito. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply