6 pang OFW nakauwi na mula sa Libya

DUMATING na ngayon, Lunes, Pebrero 28, ang anim pang overseas Filipino worker (OFW) na naipit sa kaguluhan sa Libya.

Bandang alas-diyes ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-1 ang Gulf Airlines na sinakyan ng anim na OFW.

Inaasahang dadating din ng bansa mamayang 4:00 ng hapon ang isa pang batch na binubuo ng 26 sakay ng Etihad Ailrlines.

May dalawang pang batch na nakatakda ding dumating ng Pinas mamayang 4:45 ng hapon sakay ng Saudi Airlines at 9:30 ng gabi.

Ang mga nasabing batch ay sasalubungin ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Ayon sa OWWA, handa itong magkaloob ng livelihood o financial assistance sa mga OFW umuwi ng bansa mula sa Libya.

Sinabi ni Carmelita Dimzon, administrator ng OWWA, na may inihaing Livelihood Assistance Program ang ahensya para mabigyan ng financial grant na P15, 000 na panimulang kapital sa mga OFW na nagnanais na magnegosyo sa bansa.

Aniya maaaring pumunta sa tanggapan ng OWWA ang mga OFW at pamilya nito na nais na i-avail ang nasabing programa.

Para naman sa mga mangangailangan ng mas malaking kapital ay mayroon ding loan assistance na ibinibigay sa OFWs.

Nilinaw din ni Dimzon na handang tulungan ng OWWA ang mga Pinoy worker kahit na hindi sila miyembro ng ahensya.

Gayunman, nagpasabi na rin aniya ang ilang recruitment agency na nagpaalis sa mga dumating na OFW na maaari nilang ire-deploy ang mga ito sa ibang bansa sa Middle East dahil mga professional, highly experienced at skilled workers ang mga ito.

Samantala, kinumpirma ni Dimzon na umupa na ng barko ang OWWA, Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (Dole) na sasakyan ng mga ililikas pang OFW sa Benghazi, Libya.

Ani Dimzon, ngayong araw aalis ang chartered special ship na magmumula sa Greece para ilikas ang mga OFW na naiipit pa rin sa gulo sa Libya. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply