6 PNP officials sinuspinde ng Ombudsman

PINAGTIBAY muli ng Office of the Ombudsman ang nauna nilang desisyon na nagpapataw ng anim na buwang suspensyon sa anim na opisyal ng Philippine National Police (PNP) dahil sa maanomalyang pagbiyahe ng mga ito sa Russia noong Oktubre 7 hanggang 11, 2008.

Nagpalabas ng 13 pahinang kautusan si Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez na tuluyang nagsususpinde nang walang suweldo kina Disbursing Officer Samuel Rodriguez; Finance Service Director Orlando Pestano; Budget Division Director Tomas Rentoy III; Police Superintendent Elmel Pelobello; Directorate for Human Resources and Doctrine Development Director German Doria; at Directorate for Operations Director Silverio Alarcio, Jr.

Nahaharap sa kasong grave misconduct, kawalan ng katapatan at conduct prejudicial to the best interest of the service ang anim na opisyal.

Nag-ugat ang pagkakasuspinde ng anim sa maanomalyang pagbiyahe sa St. Petersburg, Russian Federation para sa isang opisyal na misyon bilang kinatawan ng PNP sa 77th Interpol General Assembly.

Hindi umano kuwalipikado ang anim na bumiyahe sa labas ng bansa alinsunod sa Administrative Order No. 103 (Continued Adoption of the Austerity Measures in the Government); Executive Order 459 na nagbibigay ng mandato para sundin ang AO 103; at Sec. 16 (c) ng General Provisions ng 2008 General Appropriations Act (Travel Ban on Retiring DND and AFP Officials and Employees).

Inakusahan din ang mga opisyal ng pulis na tumanggap ng travel allowances na mahigit sa halagang itinakda ng batas at nameke ng acknowledgment receipts para matakpan ang naigawad sa kanilang pondo na kinuha umano mula sa PNP Confidential and Intelligence Funds.

Gumamit din umano ang anim ng passports na nababasa lamang ng regular na makina na malinaw na paglabag sa Passport Law (RA 8293) at sa Sec. 2 (c) ng Dept. of Foreign Affairs Dept. Order No. 11-97.

Iniba rin ng mga opisyal ang kanilang ruta na taliwas sa itineraryong kanilang isinumite at inaprubahan ng ahensiya. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply