Anne Curtis nanawagang ibalik ang kanyang $600 alahas

DISMAYADO ang actress commercial model na si Anne Curtis nang muling makita ang kanyang nawawalang jewelry box pero wala ang mamahaling alahas na nagkakahalaga ng 600 dollars, na naiwan sa maliit na shopping bag sa kanyang inupuan sa loob ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Si Anne ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, Lunes ng gabi sakay ng Cathay Pacific Flight CX 905 mula Hong Kong International Airport.

Walang maibigay na paliwanag ang pamunuan ng Manila International Airport kaugnay sa pagkawala ng alahas ng actress.

Nanawagan na ang batang aktres na sana ay may magbalik sa kanyang David Yurman amethyst ring.

Sinabi ni Anne sa ABS-CBN na siya ay nagdadamdam sa nangyari dahil ang nawawalang singsing ay birthday gift niya sa kanyang sarili.
Ikinuwento rin ng dalaga na ipina-blotter niya ang nangyari kaya agad siyang pinabalik sa eroplano ngunit tanging ang paper bag lang na naiwan niya ang nakita doon.
Dahil dito, nananawagan ang aktres sa kung sino man ang nakakuha ng kanyang David Yurman amethyst ring ay kung maaari ay ibalik sa kanya. Bineza Zapanta/Gwenn salamida
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply