65 patay sa lindol sa New Zealand

KUMPIRMADONG 65 katao na ang patay sa magnitude 6.3 lindol na tumama sa New Zealand hapon ng Martes (umaga ng Martes sa Pilipinas).

Ito ang kinumpirma ni Prime Minister John Key ng New Zealand.

Iniulat naman ng fire service na marami pa rin ang na-trap sa mga gumuhong gusali sa nasabing bansa.

Una nang idineklara ang state of emergency sa Christchurch dahil sa lindol.

Sa kasalukuyan ay may kakulangan sa ambulansya sa nabanggit na lungsod dahil sa rami ng casualties.

Samantala, itinuturing namang “darkest day”  ng  Christchurch City ang nararanasan ayon na rin sa kanilang Prime Minister. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply