68 OFWs mula Kuwait isinailalim sa stress debriefing ng OWWA

ISINAILALIM sa stress debriefing ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mahigit 68 overseas Filipino workers (OFW) mula sa Kuwait kasabay ng pagbibigay ng suportang pinansyal.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), tinulungan ng Philippine Embassy to Kuwait Labor Attache Vivo Vidal at OWWA Administrative Staff Absalon Aguilar Jr. ang naturang OFWs na makauwi ng bansa na naging biktima ng pagmaltrato ng kani-kanilang amo.

Inihayag ng DFA na sinagot ng Foreign Recruitment Agencies (FRA) ang plane tickets ng mga nabanggit na Pinoy workers.

Nakahanda naman tulungan ng OWWA ang OFWs na makauwi sa kani-kanilang tirahan. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply