7 bangkay ng OFWs narekober sa Christchurch

PITONG bangkay umano ng Pinoy na missing ang narekober sa patuloy na rescue operations sa gumuhong Canterbury TV building sa New Zealand.

Ito ang ipinarating na ulat ng isang Mrs. Susan Emanel Correos, Pinay na nakatira sa Christchurch City.

Kinukumpirma pa sa Department of Foreign Affairs kung may katotohanan ang nasabing report.

Ayon kay Correos inaalam pa sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Nauna nang napaulat na may 22 Pinoy ang naipit sa loob ng gumuhong building na kinabibilangan ng nursing students.

Sa ngayon nagpapatuloy ang isinasagawang rescue operation upang mailigtas ang iba pang mga biktima na na-trap sa building. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply