7-day ceasefire ipapatupad ng GRP, CPP-NDF

TIWALA ang pamahalaan na magiging positibo ang isinusulong na pagbabalik usapang pangkapayapaan sa hanay ng Communist Party of the Philippine-National Democratic Front-New Peoples Army sa susunod na linggo kasabay ng kanilang pahayag na magpapatupad ang Armed Forecs of the Philippines ng pitong araw na unilateral ceasefire kaugnay ng gagawing formal peace talk sa Oslo Norway.

Ayon kay GRP panel chief negotiator Atty. Alex Padilla, nagdeklara na ang gobyerno ng unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF simula sa February 15-21 kasabay ng gagawing formal peace talks sa Oslo, Norway at umaasa silang tutugunan din ito ng nasa kabila ng negotiating table.

Positibo si  Padilla, na nasa tamang landas ang magkabilang panig para ituloy ang ilang beses na naunsiyaming usapang pangkapayapaan makalipas ang anim na taon.

Nilinaw pa ni padilla na upang maiwasang maulit ang pagbagsak ng negosasyon, nagkasundo ang magkabilang panig na magtatag ng tinatawag na “side-table mechanism” kung saan pag-uusapan ang mga maliliit na hindi pagkakaunawaan sa peace process.

Kabilang sa agenda na nakalatag sa kauna-unahang peace talks na haharapin ng  Aquino administration ang social and economic reform.

Idudulog din umano ng government panel ang pagkakadukot ng limang pulis na hawak ngayon ng mga rebeldeng NPA.

Umaasa ang gobyerno na magkakaroon na ng peace agreement sa NDF lalo pa’t tumatanda na rin umano ang mga founders ng organisasyon.

“They are not getting any younger,” ani Padilla.

Nabapag alaman na bibiyahe sa Linggo, Pebrero 13, ang grupo ni Padila papuntang Oslo para makipag-usap sa grupo ni NDF chief negotiator Luis Jalandoni.

“The ceasefire is a test of sincerity and it enhances the atmosphere of goodwill on both sides in the eyes of the public,” anang dating kongresista na si Satur Ocampo.

Magugunitang napilitang umtras ang CPP-NDF sa negotiating table noong 2004 dahiul sa umano’y panunulsol ng gobyernong Gloria Macapagal Arroyo na isama ang  Communist Party at ang armed wing nitong New People’s Army sa talaan ng mga international terrorist groups ng U.S. at  European nations. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply