7 kidnappers napatay

COTABATO CITY – Bumulagta ang pitong hini-hinalang kidnaper nang mauwi sa engkuwentro ang operasyon ng mga awtoridad kaugnay ng tangkang pagdukot sa isang negosyante sa bayan ng Midsayap, North Cotabato Lunes, Pebrero 21.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz, dakong ala-una ng hapon nang makasagupa ng mga awtoridad ang grupo ng mga hindi pa nakikilalang kidnappers. Bago ito ay nakarating sa kaalaman ng mga awtoridad ang pagdukot sa isang alyas Boy Chiong, may-ari ng FMC hardware.

Nabatid na lumaban ang escort ng negosyante at napatay ang isa sa miyembro ng kidnap-for-ransom group. Nagpatuloy sa pagtakas ang grupo ngunit tinugis sila ng pinagsanib na puwersa ng PNP Midsayap, 40th IB Phil. Army, CAFGU, CVO, at mga barangay tanod hanggang sa magkasagupa ang mga ito.

Matapos ang may 45 minutong sagupaan sa Brgy. Polomoguen, Midsayap, patay ang anim pang suspek at nasugatan naman sa panig ng mga awtoridad si SP01 Raymond Amore. Arestado naman ang nag-iisang suspek na nakaligtas sa sagupaan. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply